Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BI binabala modus ng mga illegal recruiter

0 65

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga nakikipagsabwatan na ipagamit ang kanilang pagkakakilanlan sa mga illegal recruiter para maipuslit ang isang Pinoy sa ibang bansa.

Inihayag ng BI Commissioner Jaime Morente ang babala matapos na maharang noong Hulyo 18 ang isang Pinay na gamit ang isang passport na nakapangalan sa kanyang kaibigan upang makasakay sa isang flight papuntang Saudi Arabia.

Ayon kay Morente, lumalabas na nakakita ng ibang paraan ang mga illegal recruiter upang maiwasan ang batas sa pamamagitan ng pagpapaalam sa kanilang mga biktima na ‘manghiram’ ng pagkakakilanlan ng iba upang mapeke ang kanilang edad.

SM food to go Banner Ad

Binalaan niya na ang mga nakikipagsabwatan sa mga sindikato at nagpapahiram ng kanilang pagkakakilanlan ay mayroong pantay na pananagutan sa batas.

Sinabi ng NBI na ang naturang Pinay ay nasa 20-anyos at ginakit ang pagkakakilanlan ng 24-anyos na kaibigan niya.

Ang minimum age para sa mga Household Service Worker (HSW) sa Saudi Arabia ay 23. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.