Abante Tonite Interactive

BI bribery scandal dapat pasukin ng Malakanyang

By
14

Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Malakanyang na magsagawa ng independent investigation sa P50 million bribery scandal na kinasangkutan ng dalawang deputy commissioners ng Bureau of Immigration (BI).

Kinuwestyon ni Drilon kung bakit hindi ang non-bailable na plunder ang isinampa laban kina dating Commissioner Al Argosino at Michael Robles sa kasong pagtanggap ng suhol sa gambling tycoon na si Jack Lam.

Sa deliberasyon sa budget ng Department of Justice (DOJ), lumitaw na P49,999,000 lamang ang narekober na pera sa dalawa.

Ayon kay Drilon, malinaw na nagkaroon ng obstruction of justice at binawasan ang pera para hindi sila makasuhan ng plunder.

“Obviously there is obstruction of justice dahil sa P50 million ay binawasan ng P1,000 para hindi pumasok sa plunder.

I call for an investigation because this is obstruction of justice para whoever is responsible should be punished. I condemn in the strongest possible term this mockery of justice that are seeing,” saad ni Drilon.

Hindi rin pabor si Drilon na DOJ ang mag-imbestiga sa kaso lalo’t isa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa sinasabing tumanggap ng suhol.