Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BI record dinoktor

0 280

Uutusan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng malalimang pagsisiyasat hinggil sa “fictitious entries” umano sa record ng Bureau of Immigration (BI) kung saan lumalabas na bumalik noong Hunyo sa bansa ang dating Wirecard chief operating officer na si Jan Marsalek.

Hinala ng DOJ na naririto pa sa Pilipinas si Marsalek dahil na rin sa kahina-hinala umanong rekord nito sa BI database.

Nabatid na unang dumating sa Pilipinas si Marsalek noong Marso 3 at ilang araw lamang ay umalis na. Subalit napag-alaman ng DOJ base sa record ng BI na dumating si Marsalek sa bansa noong Hunyo 23 pagkatapos ay umalis din kinabukasan patungong China mula sa paliparan sa Cebu.

Gayunman, wala naman umanong nakita sa CCTV na dumating si Marsalek at wala ring flight patungong China galing Cebu noong araw na sinasabing umalis na sa bansa si Marsalek.

Dahil dito, iniimbestigahan na rin umano ang mga taong sangkot sa maling entry sa database ng BI kung bakit ginawa nila ito.

Nabatid din na inalis na rin umano sa kanilang puwesto ang mga tauhan ng BI na sangkot sa nasabing insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.