Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BI sa madla: Mga scammer nanumbalik

0 71

Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko hinggil sa pagbabalik ng modus ng mga scammer na nagpapanggap bilang mga opisyal ng nasabing ahensiya.

Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, nakatanggap siya ng mga ulat ng mga nanloloko sa mga pinuno ng provincial offices nila.

“These scammers would call up the office and pretend to be from the BI’s top management, often requestin­g cellphone load and othe­r small favors.”

Ang hindi aniya napagtatanto ng mga scammer ay “our office heads are immigration officers; hence they have been trained to spot inconsistencies and conduct verifications.”

Una nang nagbabala ang BI tungkol sa mga online fixer na nagpapanggap na empleyado ng BI na sinisiraan ang mga hindi kilalang dayuhan, pati na rin mga pekeng opisyal ng Immigration na humihingi ng pera para sa mga escort service. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.