Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BI sasalain mga foreigner na may asawang Pinoy

0 225

Pinakilos ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang port of entry para higpitan ang pagsala sa mga dayuhang nagsasabi na may asawa silang Pilipino, bago payagang makapasok sa bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na inilabas ang kautusan kasunod ng mga ulat na may ilang dayuhan ay nakakapasok sa bansa sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pekeng sertipiko ng kasal.

“I have ordered our frontline officers at the ports to be doubly strict in screening foreigners alleging that they are married to Filipinos or have Filipino children here. It is not enough that they have entry visas, marriage and birth certificates in their possession,” sabi ni Morente.

Matatandaan na binago ng gobyerno kamakailan ang mga paghihigpit sa pagpasok ng mga dayuhan sa pamamagitan ng pagbubukod sa mga asawa ng mga Pinoy o may mga menor de edad na mga anak o mga bata na may espesyal na pangangailangan, anuman ang edad. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.