Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BI `sikyo’ buking sa P10M yaman

0 334

Nagsasagawa umano ngayon ng lifestyle check ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga dawit sa `pastillas’ scam sa Bureau of Immigration (BI).

Kabilang sa sinisilip ng ahensya ang isang chief of staff na ang item umano ay security guard na sumusuweldo ng mahigit P14,000 subalit lumalabas na ang kanyang net worth ay umaabot ng P10 milyon.

Base sa NBI, may net worth umano ang naturang opisyal na P3.9 milyon noong 2015 subalit biglang lumobo ito ng mahigit P10 milyon ng sumunod na taon.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay NBI Special Action Unit chief Emeterio Dongallo, kung ikukumpara umano ang net worth ng naturang opisyal sa basic salary ay hindi magtutugma.

Inilarawan ni Dongallo na matawag itong “unexplained wealth” dahil masyadong malaki ang yaman kumpara sa tinatanggap na suweldo sa BI.

Una nang isiniwalat ng whistleblower na si Jeffrey Dale Ignacio na hindi umano nasisita ng BI ang dinideklarang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng mga empleyado nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.