Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BI tumiba ng P3.1B sa unang semester

0 57

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na nakalikom sila ng mahigit P3 bilyong kita ng gobyerno sa panahon ng unang kalahating taon sa kabila ng outbreak ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang koleksiyon ng mga bayarin sa imigrasyon mula Enero hanggang Hunyo ay umabot sa P3.14 bilyon, mas mababa sa 39% sa P4.3 bilyon na na-remit ng ahensiya sa national treasury sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“We still consider this as a significant accomplishment considering that even amidst the pandemic we are just 50-percent short of attaining our target of P6.18 billion for 2020,” sabi ni Morente. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.