Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biado binati ng Malacañang

0 71

Nagpahatid ng pagbati ang Malacañang Palace sa pagbibigay ng karangalan sa bansa ni Carlo Biado na nagkampeon sa $300K 44th US Open (Men’9-Ball) Pool Championship 2021 sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila).

Sumargo ang 29th seed, 37-anyos na Pinoy cue artist ng 9-1 win-loss record sa 253-player, six-day cuefest na may siyam pang Pinoy na sumabak, sa kagila-gilalas na come-from-behind victory mula sa loser’s backet sa round six at sa finals match kay 32nd seeded Singaporean Aloysius Yapp, 13-8.

Related Posts

“Carlo is indeed a world-class billiards champion… Mabuhay ka, Carlo,” lahad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na inalala ring binigyan ng presidential citation ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bilyarista nang maka-gold sa 2017 Malaysia SEA Games. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.