Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biado ‘di aabot kay Reyes

0 133

Ikunukumpara kay billiards legend Efren ‘Bata’ Reyes, pero iginiit ni newly-crowned 44th US Open Pool 2021 champion Carlo Biado na wala pa ring papantay sa kanyang idolo.

Kinopo ni Biado, 37, tubong La Union pero residente na ng Quezon City resident titulo via come-from-behind victory sa finals na may katapat na $50K (P2.5M ) sa 253-player, six-day cuefest, na pinagharian ng ‘The Magician’ taong 1994.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ako sa totoo lang, ang narating ni tatay, tingin ko, hindi ko kayang abutin. Dahil iba. Mas ibang klase si tatay Efren,” litanya ni Biado nang maging bisita sa online Philiuppine Sportswriters Association Forum nitong Martes.

“Isa siya sa mga iniidolo ko at walang makakabura ng record niya. Kung ano ang narating ko ngayon, happy na ako roon. At least, nanalo tayo,” panapos na sambit ng bilyarista. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.