Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biado papasabog uli

0 79

Special guest sa Philippine Sportswriters Association online Forum ngayong araw si Carlo Biado, ang bagong Pinoy champion sa US Open Pool Championship sa Atlantic City.

Sasariwain ni Biado ang paglalakbay niya mula sa pagiging caddie sa golf hanggang mag-switch sa bilyar at naging unang Pinoy na naghari sa US Open pagkatapos ni Efren ‘Bata’ Reyes noong 1994.

Mula 8-3 deficit, nag-rally ang 37-anyos na two-time SEA Games gold medalist para talunin si Aloysius Yapp ng Singapore 13-8 sa final at ibulsa ang $50K prize money.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makakasama ni Biado si Billiards Sports Confederation of the Philippines secretary general Robert Mananquil. Bisita rin si Philracom chairman Aurelio De Leon sa Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., MILO, Amelie Hotel, Braska Restaurant at PAGCOR.

Powered by Smart at Upstream Media bilang official webcast partner, naka-livestream ang session sa fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 FB page. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.