Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biado reresbakan si Chua sa finals

0 85

Winialis nina defending champion Chezka Centeno at 2019 runner-up Rubilen Amit ang kanilang mga nakalaban sa women’s 10-Ball pool singles Biyernes upang itala muli ang isa pang All-Pinay finals sa ginaganap na 31st Southeast Asian Games sa Ha Dong Gymnasium.

Hindi naman nagpaiwan ang kalalakihan matapos na ang bagong korona na 9-ball champion na si Johann Chua ay dinomina si Aloyasius Yapp ng Singapore, 9-2, habang tinalo ni Carlo Biado, ang 2021 US Open champion at two-time SEA Games gold medalist, ang isa pang Singaporean na si Sharik Sayed, 9-3, upang magharap muli sa gold medal match.

Una nang nagharap sa All-Filipino na kampeonato sina Carlo at Johann sa 9-ball singles na pinagwagian ng huli.

SM food to go Banner Ad

Hindi namam pinaiskor ng 40-anyos na 2013 at 2019 WPA Women’s World 10-Ball champion na si Amit ang nakatapat sa semifinals na si Nakjui Pennipa ng Thailand, 7-0, habang dumaan sa butas ng karayom ang 2019 Philippines10-Ball singles at 9 ball doubles at 22-anyos na si Centeno bago pinatalsik si Xuan Vang Bui ng Vietnam, 7-5.

Unang pagkakataon sa kasaysayan ng bilyar sa Pilipinas na magtatapat ang apat nitong cue artists para paghatian ang dalawang ginto at dalawang pilak sa 10-ball event.

Itinanghal na overall champion ang Pilipinas sa billiards sa pagwawagi nito ng kabuuang 4 ginto, 3 pilak at 5 tanso para sa kabuuang 12 medalya noong 2019 edition. (LIto Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.