Abante Tonite Interactive

Biado taob kay Cheng

304

Kinapos si former World 9-ball champion Carlo Biado sa WPA Players Championship matapos yumuko kay Kevin Cheng ng Taiwan kahapon sa Griff Billiards Las Vegas, Nevada.

Masaklap ang pagkatalo ni Biado dahil lamang siya kay Cheng sa kaagahan ng laro pero humabol ang Taiwanese cue artist at nakuha ang panalo.

Bago sumalang sa championship round, kinalos muna ni Biado si Chang Yu Lung ng Taiwan, 9-6 sa semifinals. (Elech Dawa)