Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca, 2 pa habol ang Olympic pts

0 234

Bubuksan ng tatlong Pinay ang kampanya ng bansa sa US$1M Ladies Professional Golf Association (LPGA) Drive On Championship na sisiklab ngayon hanggang Agosto 2 sa par-71 Inverness Club Golf Club sa Toledo, Ohio.

Kakasa sina six-year professionals world No. 288 Dottie Ardina at 298th Clariss Guce, at si rookie pro Bianca Pagdanganan laban sa mga tigasing par buster ng mundo sa three-day golfest na may ranking points din para sa mga papalo sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa papasok na taon.

Nasakote ni Pagdanganan,22, at kasu-sweep lang sa individual at team gold medal ng 30th Southeast Asian PH 2019 nitong Disyembre, ang LPGA card niya nang maging unang Pinay na mamayagpag sa Stage I qualifier, at lumagak sa ika-38 puwestro sa final Qualifying Series.

Holder na ng regular LPGA card ang Canlubang native na si Ardina, habang nasa ikalawang taon niya sa Tour si Guce. Nakapasok noong isang taon sa bisa ng pagpasa sa ‘Q’ series noong 2018 si Guce na gaya ni Ardina’y nagsa-Symetra Tour din. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.