Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca, 2 pang Pinay babawi sa Marathon

0 269

Walang ibang nasa kukote sina Bianca Pagdanganan, Dottie Ardina at Clariss Guce kundi makabawi sa US$1.7M Marathon Classic sa Highland Meadows Golf Club sa Sylvania, Ohio sa Agosto 6-9.

Kakagaling ng tatlong Pinay pro – Pagdanganan sa 12-way tie sa 28th place na may $6,862 (P337,000), Guce sa 3-way tie sa 64th na may $2,249 (P110K) at Ardina na sablay sa cut kaya bokya sa cash prize sa kalapit na Inverness Club Golf Club sa Toledo, ang lugar ng US$1M Ladies Professional Golf Association (LPGA) Drive On Championship nitong Hulyo 31-Agosto 2.

Mala-suntok sa buwan man, naghahabol ng ranking points sina Pagdanganan, 22, Ardina, 26, at Guce, 30, sa pagbabakasakaling makahabol sa 32nd Sumer Olympic Games 2020 na inurong sa Hulyo 2021 sa Tokyo, Japan.

Ang isa pang may kaparehas nilang misyon ay ang kumakampanya sa mayaman ding LPGA Japan Tour na si reigning Asian Games champion Yuka Saso, 19. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.