Abante Tonite Interactive

Bianca bagong ‘Syota sa Dilim’

0 236

Totoo kayang mga taga-GMA ang nagsama kay Bianca Umali sa premiere night ng “Cara X Jagger” para ‘surprise’ daw kay Ruru Madrid?

Ayun, sila mismo ang na-surprise sa ginawang eksena ni Bianca na muntik na umanong masagasaan si Ruru sa parking ng Megamall dahil sa selos sa leading lady ni Ruru na si Jasmine Curtis Smith.

Ang kuwento ng aming source ay hindi raw tinapos ni Bianca ang movie at hinatid daw ito ng mga taga-GMA sa parking lot, so ang alam ng mga ito ay umuwi na ang Kapuso actress.

Nagulat ang mga ito nu’ng after the premiere ay nandu’n pa si Bianca at hinintay pala si Ruru para batiin ng sarcastic na, “Congrats!”

Marami raw nakasaksi sa eksenang ginawa ni Bianca, na kung nagkataong nasagasaan nga nito si Ruru ay lalabas na ano ‘yon? Crime of passion?! Kalerky!

Bukod sa kampo ni Ruru at kampo ni Jasmine ay may mga fan daw na nakasaksi sa nangyari at lahat sila ay nawindang sa inasal ni Bianca.

Actually, alam naman sa showbiz na matagal nang may relasyon sina Bianca at Ruru pero hindi sila open dahil may ka-loveteam si Bianca, si Miguel Tanfelix.

Ibig sabihin ay hindi sila legal na couple bilang wala rin naman silang inaamin. At understandable din na hindi sila suportado ng GMA dahil may loveteam nga si Bianca.

In short, si Bianca ay matatawag na ‘Syota sa Dilim’. Parang si Jewel Mische noong araw na tinaguriang ‘Babae sa Dilim’ dahil hindi ito ina-acknowledge na girlfriend ni Richard Gutierrez kahit alam ng marami ang tungkol sa kanilang relasyon.

At dahil ganu’n ang sitwasyon nila, alam sana ni Bianca kung saan siya lulugar.

Besides, kung valid man ‘yung dahilan ng pagseselos niya at kung totoong niloloko nga siya ni Ruru, hindi na siya dapat gumawa pa ng eksena, na siya pa ‘yung malalagay sa alanganin.

Nakipaghiwalay na lang dapat siya, tapos! Hindi ‘yung ganu’n na pa-victim ang dating niya at mang-aagaw pa siya ng eksena, sa panahong may pino-promote na pelikula ang nobyo niya. Ngayon ay negang-nega tuloy siya.

Naturingang gumanap si Bianca bilang Sahaya, pero sad to say ay hindi siya empowered bilang isang babae at hinayaan niyang manaig ang bugso ng damdamin niya.

19-anyos na si Bianca at marami na ring pinagdaanan sa buhay, pero lumalabas na salat na salat pa siya sa maturity at marami pa siyang kailangang matutunan lalo na pagdating sa pag-ibig.

Ang masaklap pa ngayon, sa halip na siya ‘yung makipaghiwalay ay mukhang siya pa ang hihiwalayan ng lalaki dahil balitang galit na galit ang pamilya ni Ruru sa ginawa niya.

Naiyak daw si Ruru sa sama ng loob sa nangyari. Kaya doon sa afterparty ay ang lungkot daw nito at panay ang sorry, lalo na kay Jasmine (na alam naman ng lahat na masaya sa non-showbiz boyfriend nitong si Jeff Ortega).

The latest we heard ay hindi kagandahan ang resulta sa takilya ng movie nina Jasmine at Ruru. Malamang masisi pa ngayon ang selosang nobya na gumawa ng eksena.

Haaaayyy, Bianca…