Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca handa ng makipagsabayan

0 363

Makaraan ang magarang amateur career tampok ang pag-sweep sa individual at team ng 30th Southeast Asian Games PH 2019, haharap sa mas mabigat na pagsubok si Bianca Pagdanganan sa pagsisimula ng kampanya sa professional.

Tatalupan ng 22-year-old Pinay at Ladies Professional Golf Association (LPGA) rookie ang pagharap sa mga astig na golfer sa mundo sa pagpalo sa US$1M Drive On Championship sa Hulyo 31-Agosto 2 sa Inverness Club sa Toledo, Ohio.

Nasakote ni Pagdanganan ang LPGA card niya nang maging unang Pinay na mamayagpag sa Stage I qualifier, at lumagak sa ika-38 puwestro sa final Qualifying Series.

Pinahayag niya kamakalawa na hindi hadlang sa kanya ang may mahigit na apat na buwang COVID-19 para makipagsabayan sa mga mahuhusay na karibal sa lalalapit na torneo at sa liga, na minsan na aniyang napaglaruan nang amateur pa sa 2018 Marathon Classic. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.