Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca harurot sa W Series

0 30

Pumangsiyam sa unang takbo para makadalawang puntos at pumang-11 sa katayuan sa championship race si Bianca Bustamante sa weekend 3rd W Series 2022 noong Sabado sa Miami, Florida.

Umarangkada ang 17-year-old Pinay racing sensation at miyembro ng W Series Academy Team upang makapuwesto sa Magic 10 sa kabila na nagsimulang P17 at nagbuhat pa sa hulihan ng 18 mga nagmamanaeho.

Aktuwal na pumasok sa meta si Bustamante sa unang hagaran bilang P11, pero umakyat at nakadalawang puntos sanhi ng kaunting penalty kesa sa ibang mga tsuper. Pumang-14 siya sa pangalawang karera. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.