Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca ika-68, may P249K

0 204

Ibinaon ni Bianca Pagdanganan ang two-under 69 sa pinakamatikas niyang laro sa apat na araw, pero para lang iyon sa pagtabla kay American Angela Stanford sa 68th place na may $5,189 (₱249K) prize each sa wakas ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Gold Course ng Tiburon Golf Club sa Naples, Florida na pinagreynahan ni Ko Jin-young ng South Korea nitong Linggo.

May 72-hole nine-over 292 total ang Philippine rookie pro sa 72-player field na rito’y pinagdiinan ng Korean ang pagiging reigning world No. 1 sa tiniradang 66-270 at sambutin ang $1.1M (₱52.8M) top purse sa 1-2 finish ng kanyang bansa.

SM food to go Banner Ad

May limang palong panalo siya sa kababayang si Kim Sei-young (72) at si Hannah Green ng Australia (67), may identical 275s at $$209,555 (₱10M).

Patungo sa 69, may 73-79-76 ang 23-year-old Quezon City native na si Pagdanganan sa torneo na ika-18 yugto at nagbaba na rin sa kurtina ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 ng Estados Unidos. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.