Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca kakapit sa LPGA Tour

0 95

Dadaan sa nakakapagod na Qualifying Series sa November sa Alabama sina 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina upang makipkip ang kanilang mga card para sa 73rd Ladies Professional Golf Association Tour 2022.

Sumalto ang dalawang pambato ng ‘Pinas na mga kinakalinga ng ICTSI na makapasok sa patapos nang 72nd LPGA Tour 2021 Top 80 makaraan ang cut-off season sa kapapalo lang na 26th leg $3M (P152M ) 10th Cognizant Founders Cup sa West Caldwell, New Jersey.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-108th place si Ardina, 27, ng Canlubang, Laguna sa likod ng 180.300 points sa 14 events, samantalang si Pagdanganan, 23, ng Quezon City, naka-127.100 markers sa 12 tournaments sa 124th finish.

Habang kailangang kumayod kalabaw ng dalawa para patuloy na makapaglaro sa world’s premier ladies circuit, kukuya-kuyakoy lang ang isa pang PH bet at kakuwadra nilang si Yuka Saso na may limang taong membership sa LPGAT sanhi nang makasaysayang tagumpay sa 76th US Women’s Open noong June sa San Francisco.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.