Abante Tonite Interactive

Bianca kinababaliwan ni Alakdan

558

Roldan ­Castro

Hindi mapapasubalian na saksi si Bianca Manalo sa love story nina James Reid at Nadine Lustre. Tatlong taon na ngayon ang relasyon ng JaDine at umamin na ring nagli-live in.

Nagkasama kasi sila sa “On The Wings of Love.” Buong ningning na sinasabi ni Bianca na JaDine fan siya. Sinagot naman siya ni Nadine ng “witness.”
Aminado rin si Bianca na kinikilig siya sa dalawa.

Napapanood ang aktres sa “FPJ’s Ang Probinsyano.” Patuloy pa rin siyang pinagpapantasyahan ng mga netizen sa kanyang mga seksing lara­wan sa Instagram.

@jonathanarungayan, “yyyooonnn!!!!!,fffiiieeerrrccceee!!!!!”
@pinky_rabbit2017, “Wow na wow ganda parin.”
@xannebull, “buti naman pinayagan kang mag ganyan ni alakdan.. bugbog ka nanamn pag uwi mo.”
@jan9591, “Kaya patay na patay si Alakdan kay Bubbles…”