Abante Tonite Interactive

Bianca King ‘naaksidente’ sa Japan

By
5,430

ANG sasaya pa ng mga photo ni Bianca King sa Instagram account niya na kuha sa bakasyon niya sa Niseko, Japan. Napapaligiran kasi sila ng snow, at sobrang ganda talaga ng paligid.

Feel na feel ang sobrang kaligayahan sa bakasyon niyang ‘yon sa Japan. Sulit na sulit ang isang taong pagtatrabaho sa Pusong Ligaw, na wala siyang ginawa kundi ang magalit, makipagsampalan, umiyak, na kung pagsasama-samahin mo ay nakakaubos talaga ng lakas.

Sa farewell media dinner ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN building, dumating si Bianca na naka-cast ang isang kamay, braso. Dahil ba ‘yon sa madalas na sampalan sa Pusong Ligaw?

“Hindi inaasahan noong nag-snowboarding ako sa Niseko for the holidays,” sabi ni Bianca.

‘Yun na, kaya tigil na muna si Bianca sa pagluluto, pagyo-yoga. Kailangan muna niyang ipahinga ang kanyang kamay, braso.