Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca kumakasa, Guce, Ardina iwan

0 170

Nagposte ng solidong two-under par 69 si Bianca Pagdanganan sa pangalawa niyang torneo, ang LPGA Marathon Classic sa Highlands Meadows Golf Club sa Sylvannia, Ohio kahapon (Huwebes, United States time).

Ang palabang porma’y naglagak sa 22-year-old rookie pro mula sa Quezon City sa pagkaiwan ng limang palo lang kina joint leaders Danielle Kang ng USA at former world No. 1 Lydia Ko ng New Zealand na mga kumarta ng mga seven-under.

Pero napag-iiwanan ang dalawa pang bet ng bansa na sina Fil-Am Clariss Guce at Canlubang native Dottie Ardina sa 72-hole, four-day $1.7M golfest.

May 71 si Guce para mahanay sa 21 magkakasalo sa ika-66 na puwesto, samantalang naka-72 si Ardina upang malagak lang sa 17 magkakabuhol para sa 87th place.

Buhat ang tatlo – Pagdanganan sa 12-way tie sa 28th place na may $6,862 (P337,000), Guce sa 3-way tie sa 64th na may $2,249 (P110K) at Ardina na sablay sa cut kaya setlog sa cash prize sa kalapit na isang torneo sa kalapit na lugar. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.