Abante Tonite Interactive

Bianca, Kyline nagpaplastikan

By
256

tonite-this-is-it-roldan-castroHindi maawat ang netizen sa pagre-react sa muling pagsasama nina Bianca Umali at Kyline Alcantara sa ‘Daig ng Lola Ko’. Nagpaplastikan lang daw ang dalawa at sinisikmura lang umano na magsama sa trabaho.

May mga fan na hindi naniniwala na magkabati ang dalawa.

Pero hindi nagpapaapektado si Kyline sa gap umano nila ni Bianca. Hindi niya ini-entertain ang kanegahan. Love, love , love ang umiiral sa kanya at positibo palagi ang pananaw sa mga blessings na dumarating sa kanya.
Anyway, ngayong Septyembre 2 ay magkasama ang dalawa sa episode na ‘Dobol, Tripol Trobol’. Gaganap sila bilang kambal-tukong magkapatid.

Tonton swak sa ageless beauty

Agree kami na nadagdag sa pamil­ya ng Beautederm ang actor na si Tonton Gurierrez. Kasama na siya nina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Matt Evans, Alma Concepcion, Shyr Valdez, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, Alex Castro, Jimwell Stevens, Darla Sauler, Glydel Mercado.
Bakit idinagdag ng Chief Executive Officer at President na Ms. Rhea Ramos Anicoche Tan si Tonton?
“Gwapo ni kuya Tonton. At name n’ya may recall talaga. We are promoting ageless beauty kaya puwedeng-puwede siya sa #beautederm men ko. Pag makikita mo siya sasabihin talaga ‘Gwapo pa rin ni Tonton! ‘Mga ganu’n. Mga walang kupas ang kagwapuhan,” deklara ni Ma’am Rhea.
“Sa panahon ngayon, pag sinabi mong Tonton Gutierrez. Kilala na agad,” sey pa niya.
Actually, malaking dahilan din ang pagiging ambassadress ni Glydel Mercado, asawa ni Tonton para madiskubre niya kung gaano ka-effective ang naturang produkto.

Pat-P kay Bong: ‘Sayang naman ang kapogian niya kung sa kulungan siya tatanda’

Kung may gustong ma-interbyu si Pat-P Daza para sa programa nila ni Peter Musngi na “Teka Muna,” ito’y si Bong Revilla. Napapanood /napapakinggan ng programa nila sa DZMM teleradyo tuwing Sabado, 7:00-8:00 PM. Gusto niyang malaman kung saan nga ba nagkamali ang legal team ng actor/politician? Bakit daw naiwan siya nina Sen. Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada na nakalaya na.
Inamin din ni Pat-P na crush niya si Sena­tor Bong.
“Sayang naman ang kapogian niya kung sa kulungan siya tatanda,” tumatawa pa niyang pahayag.
May hugot din si Manay Lolit Solis sa kanyang alagang si Bong sa kanyang IG account.
@akosilolitsolis, “Torture sa akin ang pagpasok ng September Salve. Imagine ko na ito na naman, ibig bang sabihin birthday na naman ni Bong Revilla ay nasa loob pa rin siya ng Crame? Pang-­apat na birthday na niya sa loob ng Crame, paano mo babatiin ng Happy Birthday ang isang tao na nasa loob ng kulungan? Iyon apat na taon na dumaan na lahat ng importanteng milestone sa loob ng Crame ginagawa, Pasko, Bagong Taon, wedding anniv, birthday ng mga anak, birthday ng iba pang mahal sa buhay. Sureal na surreal, hindi mo aakalain na mangyayari. Sa­lamat kay Pat P. Daza na maganda ang mga sinabi about Bong. Sa mga kaibigan na hindi nakalimot. Sa mga totoong friends na hindi nang-iwan. So sad for the four years na nasayang, pero I think made Bong a better man, a better person, one that never wavered in his Faith for God and justice, one that have a good heart to accept and admit what the Lord planned for his life. It will ne­ver be a happy birthday, but will make all your past and future birthdays more meaningful, better and full of grace. I Love You Bong, I salute you, I believe in you, no matter what they say. Salute. #instatalk #lolitkulit #71naako.” Talbog!