Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca losyang kay Ruru

0 874

Pinatulan ni Ruru Madrid ang nang-okray kay Bianca Umali, rumored girlfriend niya.

Todo tanggol siya sa mga negative na komento ng madlang pipol sa social media.

“I dont know what’s wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nag ddown sa atin. Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan nalang natin ang isa’t isa, ” sambit niya.

Kapansin-pansin ang mga comment kay Bianca sa post niyang larawan sa Instagram @iamaiads.s, “Kakagulat lang kasi. dati fresh na fresh si Bianx. Nung si Ruru na nag alaga biglang pumayat, tumanda, naging liberated at di na fresh. Yun lang naman sakin. Kbye. “

@exoticrock01, “TUYOT K GHORL”

@b1anx, “Kumakain ka pa ba? Ganito ba alagang R? “

@ lemuelmgsno027, “Di hiyang ,balik kay Miguel.”
@ itsme_liquids, “Nalosyang”
May mga nagtatanggol din kina Ruru at Bianca.

@Peeeyythh, “@rurumadrid8 snob mo nalang sila @rurumadrid8😇 si Ama nalang bahala sakanila. Ipagpray nyo nalang yung mga taong judgmental! Tsk. Iloveyou both.”

@ fatimabalon4, “@rurumadrid8 Ru wag nyo na pansinin nyang mga Yan mga Hindi sanay mag toothbrush Kaya Kay sasama ng nga lumalabas sa bibig 😂 . Mga bitter Lang yang mga yan. Andto pa din kami patuloy na susuporta sa inyo kahit anong mang yare . Kase lovelove namin kayo .”

@ its__kylie06, “payat lang yung mukha dami nyo ng talak!!!Kala nyo gaganda nyo?”
@ escanoorrr, “Nahiya namna sa bianca sa mukha nyo na anlakas manlait e mukhang dugyot na napabayaan ng magulang.”
@ madroneroliza,” @rurumadrid8 insecure lang yan sa ganda ni @bianxa.”
Pak!

Nakipagtalakan din si Ruru sa sobrang barubal ng basher kay Bianca.
“Anong problema mo? BASTOS!”
Walang takot din siyang sinagot ng “Panget mo mag alaga pre ginawa mong kalansay di naman ganyan dati yan.”

Resbak ng Kapuso aktor, “Sigurado ka dyan? Brad katawan nya yan, kung gusto nya magpapayat o magpalaki na sa kanya na yun labas na ako dun kasi labas na ako dun at dapat ganun ka din.Kesa yung kumikilatis ka ng katawan ng ibang tao kilatisin mong maiigi yung sarili mo brad. Dami na naghihirap sa mundo ganyan ka pa din. Baguhin mo na ugali mo!”
Talbog!

Lolit sinabon si Aljur

Nag-react si Manay Lolit Solis sa kontrobersyal na pahayag ni Aljur Abrenica tungkol sa ABS-CBN 2. Bahagi ng sinabi ng actor ay “It’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight.”

Marami ang nagtampo at nagdamdam na Kapamilya sa statement ni Aljur.Kahit si Liza Soberano ay napa-ouch.

Sey ni @akosilolitsolis sa IG, “Talagang hindi pa tapos ang usapin ng franchise . Tignan mo at humabol pa si Aljur Abrenica sa intriga. Mula’t sapul naman lagi nasasabit si Aljur dahil sa mga comments niya na parang hindi iniisip bago bitawan.

“Kahit sino naman masasaktan duon sa sinabi niyang iyon laban ng ABS CBN laban nila, at labas siya duon. “Para ngang very insensitive kung iisipin mo, dahil active star siya ng istasyon. Dapat kasi kay Aljur iniisip muna ang tanong bago magbigay ng sagot. Puwede naman i word niya ng maganda dahil baka hindi naman ganuon ka blunt ang ibig niyang isagot, hindi mo naman sasabihin out of context dahil iyon mismo ang pagkakasabi niya.

“Sayang dahil magaganda ang mga projects na ginagawa niya sa ABS-CBN. Hindi mo masisisi ang istasyon kung sakali ipagtampo nila ang comment na ito ni Aljur Abrenica.

“Dapat bigyan niya ito ng magandang paliwanag kung bakit niya nasabi, at next time, medyo hinay hinay lang, sensitive ngayon ang paligid, madaling bigyan ng kulay ang anuman sinasabi at ginagawa.”

Korek!

Leave A Reply

Your email address will not be published.