Abante Tonite Interactive

Bianca mas katakam-takam, malinamnam ngayon

By
17

ANG malapad na ‘wetpaks’ (eksaktong word na ginamit ng Instagram followers niya) ang napansin ng marami sa photo nina Bianca King at Beauty Gonzales sa latest escapade nila sa Thailand.

Magkasama ang dalawa sa Pusong Ligaw na teleserye ng ABS-CBN, at pareho ngang nagpapatalbugan, hindi lang sa acting ang dalawa, kundi sa kaseksihan na rin.

Kung alindog ang pag-uusapan, kahit may dyunakis na si Beauty, at single pa rin si Bianca, hindi nagpapakabog si Beauty kay Bianca.

Si Bianca, hindi man masyadong nabibigyan ng exposure ang kanyang kaseksihan, like, hindi siya masyadong napi-feature bilang pinakaseksing babae sa Pilipinas, o sa showbiz, pero once na maglantad naman siya ng kanyang kaseksihan, nagbabago ang tingin sa kanya ng fans niya, lalo na ng mga kalalakihan.

Like sa latest photo niya, ipinakita ni Bianca na madadaan ang kaseksihan ng isang babae, hindi lang sa laki ng boobs, o liit ng bewang, kundi sa projection na rin.

Ang pag-emote nga raw ay malaking tulong para mas maging katakam-takam ang itsura ng babae sa isang larawan.

“Sitting in the morning or late afternoon sun makes me so happy. We need the vitamin D to help our bodies absorb calcium from the food we eat, imagine that, getting a healthy tan makes your bones, muscles and teeth strong,” tsika ni Bianca sa photo niya na todo-emote.

Pero hindi naman ang caption niya ang pinansin ng followers niya kundi ang tingin nila ay pagbabago nga sa katauhan ni Bianca.

Mas maganda, mas palaban, mas katakam-takam, mas malinamnam, mas masarap pagmasdan, mas seksi nga raw si Bianca ngayon.

Kung noon, medyo kimi, ngayon mukhang tulad din sa teleserye niya, mas palaban na rin.

At siyempre, aabangan daw nila ang pagkakataon na mas mag-level up pa ang kanilang idolo.