Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca, Miguel ‘buwag’ kay Ruru

0 240

NI: ARCHIE LIAO
Nakilala si Miguel Tanfelix sa kanilang tambalang Biguel ni Bianca Umali.

Pero dahil identified na ngayon ang dating ka-love team sa boyfriend nitong si Ruru Madrid, tila malabo nang magkasama silang muli sa isang proyekto.

Lalabas kasing pilit ang kanilang teamup kung igigiit pa ang fondness nila sa isa’t-isa gayong in real life ay may Ruru na si Bianca.

Ngayon may pralala si Miguel na mas masaya siya ngayon na wala siyang ka-love team.

Aniya,ang bentahe raw nito ay mas malaya raw siyang nakakagalaw.

SM food to go Banner Ad

Desisyon din daw niya ito dahil ang aim daw niya ngayon ay self-growth.

Bagamat sinabi niya na may malaking proyektong paparating sa kanya, may ilan namang nang-iintriga kung lalago pa ba by leaps and bounds ang karera niya after Bianca.

Kung ire-reinvent daw niya ang kanyang sarili, saan naman daw kayang larangan puwedeng mag-shine. Sasabak daw ba siya sa action considering na kulang siya sa height o susubukan ang hosting?

Anila, mahirap din daw kasing humanap ng kaparehang magko-compliment sa kanya considering na malaki rin ang itinaya ng kanilang network sa love team nila ni Bianca.

Leave A Reply

Your email address will not be published.