Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca nag-cheer kay Yuka

0 167

Hindi nag-qualify si Bianca Isabel Pagdanganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California na pinanlunan ni Yuka Saso Linggo (Lunes sa Maynila).

Pero dumayo LPGA sophomore pro at matagal ng kaibigan ni Saso sa final round, isa rin sa mga nagbabalita ng mga kaganapan sa mga kaibigan sa ‘Pinas via Instagram para sa top Philippine pro na nakakamayan niya sa venue.

Siniwalat ni Pagdanganan, 23, na napakaseryoso man ni Saso, 19, sa course, pero mas kilala niyang komikera ito – ‘maraming dad jokes’. Patunay ang pagiging game nang bombahan ng bote ng champagne ni Hannah Green ng Australia para sa pagdiriwang sa tagumpay ng Fil-Japanese mula sa Bulacan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.