Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca ‘nakakatunaw’ kay Ruru

0 154

Matagal ding hindi nagkaroon ng project sa Kapuso sina Bianca Umali at Ruru Madrid simula nang ma-link sila.

Mistulang ‘tinik’ kasi si Ruru sa loveteam nina Bianca at Miguel Tanfelix.

Wala namang tahasang pag-amin sa dalawa pero maugong ang tsismis sa kanilang relasyon.

Mukhang nakaapekto rin kay Bianca ang tsismis na umano’y nag-audition siya sa Darna na walang paalam daw sa management. Ramdam kasi ang pagpapahinga niya pagkatapos ng tsikang ‘yun.

Pero ngayon ay back to work na sila. Si Ruru ay may serye na “Lolong”.

Si Bianca naman ay bibida ngayong Sabado sa bagong episode ng

‘Magpakailanman’ . Tungkol ito sa buhay ni Lairca Nicdao, ang Pinay na gold medalist sa Women’s Junior Single Class 1 event ng 2019 World Para Dance Sport Championships na ginanap sa Bonn, Germany.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, hindi na rin maitago ang kaseksihan ni Bianca pag nagpo-post siya sa Instagarm.

Reaction nga ni Ruru,”Nakakatunaw.”

Reaction din ng mga netizen:

@patdy11, “Legssss for days”

@angelica_cantilado, “Ang ganda.”

@_fngirljellica, “Hottie B “

@queen_0531, “Stunning.”

@ashmoooto, “Ruru for the win” (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.