Abante Tonite Interactive

Bianca pambulabog ang hubog

947

Kung anuman ang nakakapagpa-balanse ng kanyang character sa kanyang role sa “Ang Probinsyano”, ‘yun ay ang sexy photo post ni Bianca Manalo sa Instagram. Pambulabog ang hubog.

Sa mga past winner ng Bb. Pilipinas, lutang na lutang ang personalidad ni ­Bianca.

Kung mapa­ngahas ang iba n’yang mga kaliga sa pagiging beauty queen, kalmado lang ang aktres.

Walang masyadong drama, walang masyadong funfare, pero kitang-kita na sumasabog ang alindog ng kanyang kaseksihan.

Sampung taon na ang nakakalipas mula nang i-represent niya ang ‘Pinas sa Miss Universe, pero hanggang ngayon hindi man lamang napingasan ang kanyang alindog.

Sa pagdaan ng mga panahon, mas lalong sumasarap ang kanyang kagandahan. (Rey Pumaloy)