Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca pang-12, kinubra P156K

0 56

Humambalos ng 300-yard, sinalpak ni 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan ang closing career-tying low, bogey-free 8-under par (33-31) 64 upang pumang-12 katabla ang pitong iba pa sa 11-under 205 na may $3,140 (P156K) each sa wakas ng 16th Symetra Tour 2021 16th leg $200K (P10M ) 1st Circling Raven Championship sa Circling Raven Golf Club sa Worley, Idaho Linggo (Lunes sa Manila).

Tumirada siya ng tatlong birdie sa front nine at gayunding karami sa back nine sa mainit na simula pa lang sa opening hole. May eagle pa sa ika-10 butas na nag-akyat sa 23-anyos na Pinay shotmaker na pambato ng ICTSI sa naturang puwesto sa mula sa walong pagkakabuhol sa pang-44 na puwesto.

SM food to go Banner Ad

Ang isa pang PH na si US-based Clarissmon ‘Clariss’ Guce nagsara ng 67-209, tama sa seven-way tie 32nd place na may $1,507 (P75K) bawat isa.

Nagreyna si Peiyun Chien ng Taiwan (67-200) sa isang palong kalamangan kay home bet Fil-Am Demi Runas (66-201) samantalang salo sa tersera sina Americans Bailey Tardy (64) at Gabby Lemieux (65) sa 202. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.