Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca papatikas para sa US Open

0 147

Papakondisyong todo si Bianca Pagdaganan ang para sa malaking labanan sa murang propesyonal na karera sa susunod na linggong $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas.

Bago ang major golfest sa December 10-13, nakatakdang buksan kahapon (ngayon sa Pilipinas) ng 23-taong gulang na bagitong Pinay ang kampanya sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, ang 8th Volunteers of America Classic 2020 sa The Colony, Texas.

Ikawalong torneo na sa taong ito ng tubong Quezon City na pawang napasahan naman niya lahat ang cut kabilang ang pagsalo sa ikasiyam na puwesto sa LPGA Tour major, ang 58th Women’s PGA Championship 2020 sa Pennsylvania nitong Oktubre na nagbigay sa kanya ng puwesto sa US Open.

Magsisilbing reunion nila ni LPGA of Japan Tour campaigner Yuka Saso ang US Open makaraang balikatin ang ‘Pinas sa women’s team gold medal sa Indonesia 18th Asian Games 2018 kung saan si Saso ang nag-gold at si Pagdanganan ang nag-bronze sa individual. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.