Abante Tonite Interactive

Bianca pinabayaang mag-isa ni Miguel

4,903

Marami ang naghanap kay Mi­guel Tan felix bilang date ni Bianca Umali sa isang fashion event. Pero nadismaya ang mga fan dahil mag-isang dumalo ang Kapuso actress. Lumutang ang ganda ni Bianca at ang sophisticated aura nito noong gabing ‘yun. Sayang nga lang dahil hindi nasaksihan ito ni Miguel.

Mukhang mabilis nakabawi si Miguel dahil sinorpresa niya si Bianca ng stuffed toy at mini date. Sa mga ipinost nilang dalawa sa Instagram, mukhang nagkaroon naman sila ng oras na makapag-bonding!

Sa pagiging busy nila sa taping ng ‘Kambal, Karibal,’ minsan na lang sila makapuslit ng leisure time, kaya habang may pagkakataon ay sinusunggaban agad nila. Happy na si Bianca sa simpleng hang out kay Miguel, at feeling namin ay ito ang dahilan kung bakit matibay ang kanilang samahan.

Excited na ang mga tagahanga nila na maisakatuparan ang Japan trip dahil siguradong mag-eenjoy ang dalawang Kapuso stars sa travel nilang iyon!