Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca puntirya Olympics

0 219

Lumipad na nitong Linggo ng gabi pa-United States si Bianca Pagdanganan.

Ipagpapatuloy niya ang pangarap na katulad ng bawat atleta, ang makapaglaro sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa darating na July 23-August 8 dahil sa Covid-19 pandemic.

Top 60 ng Olympic rankings hanggang June 28 ang mga papalaruin ng International Golf Federation sa quadrennial sportsfest.

Dahil sa maangas na pinakita ng 23-year-old single, 5-foot-4, Quezon City native at PH pro No. 2 na suportado ng ICTSI sa 71st Ladies Professional Golf Tour 2020, siya ay nasa 41st ng Olympic rankings sa kasalukuyan.

SM food to go Banner Ad

“I really want to play in the Olympics. That’s a big goal and I want to achieve it. I want to represent the country on a bigger stage. Oh my God, it would be a big accomplishment, such a big honor,” aniya.

Magku-quarantine muna ang ating kababayan pagdating ng Tate saka ipagpapatuloy ang kampanya sa 72nd LPGA Tour 2021.

Good luck Bianca!

Leave A Reply

Your email address will not be published.