Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca, Ruru amoy balikan

0 236

Kumalat ang balitang hiwalay na ang Kapuso couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.

Sa latest photo na nag-circulate sa social media, muli na namang naging subject ang dalawa ng mga usap-usapan tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Ayon sa ilang kibitzers, nagkabalikan na raw ang dalawa.

Pruweba raw dito ang sweet photos nila sa birthday party ni Ruru kung saan um-attend mismo si Bianca.

Hirit ng ilang nang-iintriga, hindi raw natiis ni Bianca ang rumored boyfriend.

Marami namang faney nila ang nag-rejoice na muling makita together ang kanilang idols na magkasama.

Humirit pa nga sila na sana ay magkasama ang dalawa sa isang proyekto.

Ayon naman sa ilang naga-ampalaya, wala raw balikang naganap.

In the first place, never daw namang umamin ang dalawa na naging opisyal na magdyowa sila.

Gerald inintrigang may ibang babae

Kaloka naman ang pasabog ng isang pambansang Marites.

Lately, umariba na naman siya at muling nang-intriga.

Pabitin ng pambansang marites: “One time, nung nasa isang lock-in taping si Julia…”

Dahil dito, hindi tinatantanan ng mosang republic ang social media personality at hinamon ito na i-reveal kung kanino nakipagkita si Gerald Anderson? May katotohanan ba na may ibang babae ito?

Bukas ang pahinang ito sa kasagutan ni Gerald para sa ikalilinaw ng isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.