Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca, Ruru nangangamoy hiwalayan

0 101

Diumano, for more than two weeks na hindi nagkikibuan ang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.

Kapansin-pansin daw na ang dating as sweet as cotton nilang moments na chronicled at documented sa kanilang respective social media sites, ngayon daw eh as cold as ice ang dramarama ng dalawang magsing-irog.

Parehong naka-lock in taping ang dalawa kaya physically, hindi nagkikita. In this day and age na pwede na ang video calls, pag gusto, may paraan, Pag ayaw, may dahilan. Iyan nga ba ang pinanghahawakang kasabihan nina Umali at Madrid na hindi pwedeng ikaila na pag dating sa aktingan ay may ibubuga naman talaga.

O sadyang mapaglaro lang ang imahinasyon ng mga nagmamasid. Kasi nga sinanay na karakaraka eh may postings ang kanilang pagiging together tapos biglang naging precious and few ang mga pagbabahagi.

Well, lahat naman ng relasyon ay dumadaan sa pagsubok. Ilang taon na nga ba ang kanilang romansahan at pagmamahalan? Their love must be stronger sa kung ano mang sigalot meron sila. Lahat naman ng mga bagay-bagay ay nakukuha sa magandang pag-uusap.

Nakakaloka nga ang mga ka-Siyete eh. Alam naman nilang for real na sina Bianca at Ruru pero never nilang sinugalan na pagsamahin sa isang pangmalakasang proyektong romance drama.

Bagay na bagay silang maging Carmina at Gabriel, ang mga katauhan nina Dawn Zulueta at Richard Gutierrez sa “Hihintayin Kita Sa Langit” na hinog na hinog na para sa isang TV adaptation.

Naway hindi pa hiwalay ang dekolor at puti nina Bianca Umali at Ruru Madrid. Sayang naman ang kanilang pagmamahalan kung hindi nila ipaglalaban.

Kim ariba sa pagbibisikleta

Marami talaga ang patuloy na ginigitla ni Chinita Princess Kim Chiu. Lahat ang tingin sa kanya ay tila fragile porcelain China doll pero sa kanyang latest IG photo post, alam na alam na maling akala ang pakiwari na ito.

Umaariba pala ang Chiu sa pagiging biker, huh! Eh alam niyo naman ang mountain biking, kailangan ang lakas at stamina para maisakatuparan ang long distance na pagbibiksiklita.

Almost 100K ang appreciation sa biking photo op ni Kimberly. Kita naman ang kanyang safety gears at may pa-reveal ang kanyang shapely at makikinis na thighs and legs.

Ang emote ni Kimmy: “Woke up early, coffee and a great morning work out is always a 💯% mood booster!☀️☺️ never fails to give me that extra pump for the entire day.”

O di ba, napaka-inspirational ni Chiu lalo na para sa lahat na health and wellness advocate,.Siyempre pa, sa mga nilalang na sinisimulan ang kanilang balik alindog program.

Ang nakakatuwa pa sa kaganapang ito, alam mong pinahahalagahan at katotohanan para kay Kim ang kasabihan na “health is wealth” sa ginagawa niyang pagbibisikleta. Alam naman natin na sa panahon ngayon, talagang nakaka-nerbiyos at stress ang pagkakaroon ng karamdaman kaya dapat importante ang “self-love” and exercising is one best manifestation nito, at kay Chiu nga sa pamamagitan ng pagbibisikleta.

Good job, Kim Chiu! Dapat sundan ang halimbawa kung paano pangalagaan at mahalin ang sarili, huh!

Xian inamin ang pagkukulang sa akting

Ang first Filipino film na ipapalabas sa mga sinehan ngayong Disyembre 1 ay ang “Yorme: The isko Domagoso Story” mula sa Saranngola Media Productions. Ito ay sa panulat at direksyon ni direk Joven Tan.

Tatlo ang pangunahing bida rito na gaganap bilang si Francisco Domagoso. Ang batang Isko ay si Raikko Mateo. Si McCoy de Leon, ang teenager at artistang Isko. At ang nakatoka bilang politkong Isko, si Xian Lim.

Malaking hamon sa kakayahan ni Lim bilang aktor ang pag ganap sa politikong Isko dahil nga larger than life persona ang butihing alkalde ng Maynila. Paano niya pinaghandaan ito?

Sagot ni Xiam: “Noong nalaman ko na kasama ako sa movie, it was a plesant surprise and at the same , a shock for me kasi nga, kilalang-kilala talaga si Mayor Isko. Ang ginagawa ko agad, pinanood ko ang news clips niya sa YouTube.

Inobserbahan ang kanyang pagkilos at pananalita, pati estilo ng paglalakad, and of course, malaking bagay yung script kasi nakapagdagdag siya ng anchor for me on what else must I do.”

Inamin ni Xina: “Alam ko naman na physically hindi kami magkamukha kaya aside from his physical mannerisms, mas nag-focus ako doon sa mga nararamdaman niya as a young politician. I played for truth, his truth most especially kasi grabe ang struggles at persecution na pinagdaanan niya in the world of politics.”

Magugustuhankaya ng mga manonood ang pagganap niya bilang Yorme? “I hope so,” tugon agad ni Xian.

“I did my best. Bilang aktor naman, I cannot please everyone. Laging merong makikitang pagkukulang sa perforamance mo.Ganun naman talaga lagi. Tanggap ko na ‘yun. The fact na isinapuso ko naman ang pagiging si Yorme, I believe people will feel and see that in the movie.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.