Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca sideline uli sa Symetra

0 37

Sa pinaiiral na 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 Current-Year Reshuffle, reserve No. 8 lang si 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan sa 26th leg $3M (P152M ) 10th Cognizant Founders Cup sa Mountain Ridge Country Club sa West Caldwell, New Jersey sa Oct. 7-10.

Kaya balik-sideline muna ang 23-year-old single, 5-foot-4 Pinay shotmaker mula sa Quezon City at suportado ng ICTSI, sa 16th Symetra Tour 19th & final leg, $250K (P12.7M) 14th Symetra Tour Championship sa LPGA International, Jones Course sa Daytona Beach, Florida sa Oct. 7-10 din.

Papalo si Pagdanganan sa US second tier tour na kilala ring ‘Road to the LPGA Tour’ na buhat sa joint seventh sa 25th leg ng world’s premier ladies circuit $1.750K (P89M) 27th Shoprite LPGA Classic sa Seaview’s Bay course sa Galloway, New Jersey Linggo (Lunes sa Manila) na may kalakip na $13,930 (P707K).

Huli siyang nakipagbakbakan sa ST 16th leg $200K (P10M ) 1st Circling Raven Championship sa Circling Raven Golf Club, Worley, Idaho noong Agosto 27-29 kung saan tumabla siya sa pang-12 na may $3,140 o P159K. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.