Abante Tonite Interactive

Bianca vs Beauty, mabangis ang plastikan at patalbugan

12

MABANGIS ang ­iringan at patutsadahan nina Marga (Bianca King) at Tessa (Beauty Gonzales) sa Kapamilya afternoon seryeng Pusong Ligaw.

Sa pag-aasam na makaisa kay Tessa ay inangkin ni Marga ang moment ng dating kaibigan sa paglulunsad ng ‘TeriVida’ clothing line.

Sa halip na si Tessa ay si Marga ang nag-speech sa harap ng mga bisita at sinabi pang ideya niya ang ‘TeriVida.’

Ang anak ni Tessa na si Rafa (Enzo Pineda) ay pinaniwala ni Marga na magiging date ni Vida (Sofia Andres) sa ball.

Walang kamalay-malay si Potpot (Diego Loyzaga) na may masamang balak si Marga nang inaya siya nitong sunduin at maka-partner ang anak.

Sa pagtindi ng ba­ngayan, sasabog ang katotohanan dahil mu­ling pinabuksan ni Jaime (Raymond Bagatsing) ang kaso sa nawawalang anak ni Tessa sa pag-asang ito ang daan para magkaayos silang da­lawa.

Madidiskubre ni Marga ang tungkol dito!

Paano tatanggapin ni Potpot ang katotohanang siya ay ampon lang ng kinagisnang pamilya?

***

Kobe Paras
Kobe Paras

Matapos pagtagum­payan at makasungkit ng gintong medalya ang Gilas Pilipinas sa ika-29 Southeast Asian Games sa Malaysia, bumisita ang star player na si Kobe Paras sa kanyang home Network para bumati sa GMA Network Chairman at CEO Felipe L. Gozon.

Kasama ang amang si Benjie at kapatid na si Andre ay bumati sila at nagpasalamat sa suporta ng GMA executives.

Present sina GMA President for GMA Worldwide and GMA Films Annette M. Gozon, Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable, First VP Regie C. Bautista, VP for Drama Redgie A. Magno, VP for Corporate Affairs and Communications Angel Javier-Cruz, Senior Assistant VP for Alternative Productions Gigi S. Lara at Assistant VP for Talent Imaging and Marketing Simoun S. Ferrer.

Nagpaabot si Gozon ng pagbati sa tagumpay ni Kobe at binigyan pa niya ito ng mahalagang payo, “Malaki ang pag-asa nito. Nakita ko siyang maglaro and I was very impressed kaya ang tingin ko pwedeng pang NBA star itong si Kobe.

“But don’t forget your studies. Importante rin ‘yung meron ka ring academic background.”

Buong pusong tinanggap ni Kobe ang pagbati at suporta sa kanya ng Kapuso Network.

Ani Kobe, “It feels good because the last time I was here in GMA was when I won the Slam Dunk contest and I was only beginning then.

“And now that I’m with Gilas, I feel like they are with me every step of the way, so I’m very thankful for the way they appreciate me,” pasasa­lamat ni Kobe.

Nakatakdang lumipad si Kobe pabalik sa USA para ipagpatuloy ang pag-aaral dahil desi­dido siyang makapagtapos ng kurso sa Business.