Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca-Win wedding ninong si Locsin

0 730

Tila nakahanap na ng ka-forever si Senador Sherwin Gatchalian sa katauhan ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.

Kasalan na kasi ang nasa isip ng senador at balak kuning ninong si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Batay ito sa comment ni Gatchalian sa tweet ni Locsin tungkol sa magkasintahang nais magpakasal pero dahil sa travel ban ay naudlot ito.

“Tie the knot. Singular. You need a consul? Will check if zoom is legal,” ani Locsin.

Nag-comment dito si Gatchalian at sinabing, “Sec, can I get you as a Ninong when I get married? Idol kita eh since I was still a college kid.”

Nag-react naman ang mga netizen

“Walang talo si sen, talagang Manalo.”

“Pinaka nakakakilig na tweet ito senator. Umaga pa lang, pero ito na ang tweet of the day! “

“Ayiiiieeeeee! Kinikilig po ako Sen.!!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.