Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca, Yuka 69 sa round 1

0 86

Nagsipagsumite ng one-under par 69 sina 2020 Tokyo Olympic-bound Bianca Isabel Pagdanganan at Yuka Saso kasama si ICTSI teammate Dottie Ardina upang makabilang sa 30 magkakatabla para sa ika-14 na puwesto.

Sa pagsiklab ito ng 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 18th leg $2M 2nd Dow Great Lakes Invitational sa Mindland Country Club sa Midland, Michigan Miyerkoles (Huwebes sa Maynila) kung saan walo ang mga nasa tuktok.

SM food to go Banner Ad

Sila ay sina home bet Cydnay Clanton, Thais Jasmine Sawannapure at Pajaree Anannarukarn, Indian Additi Ashok at Americans Jillian Hollis, Lauren Stephenson, Nelly at Jessica Korda na may mga identical 65.

Bahagi ito ng preparasyon nina reigning US Women’s Open champion Saso at Pagdanganan para 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Japan na inurong pandemya sa parating na Hulyo 23-Agosto 8. Papalo ang women’s golf sa quadrennial sports festival sa Kasumigaseki Country Club-East Course sa Saitama City, Saitama Prefecture sa Augustt 4-7. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.