Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca, Yuka, Dottie sokpa sa finals

0 103

Pasado sa cutoff sina 2020 Tokyo Olympic-bound Bianca Isabel Pagdanganan at Yuka Saso, pati si ICTSI teammate Dottie Ardina kasama ang kanilang mga katambalan pagkaraan ng 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 18th leg $2M 2nd Dow Great Lakes Invitational halfway mark sa Mindland Country Club sa Midland, Michigan Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Nagsalpak sina Pagdanganan at partner ng 62 para sa two-day total 131 at samahan ang lima pang tandem para sa seventh spot, limang palo ang layo kina leader Thais Ariya at Moriya Jutanugarn. May 59-126 na may two stroke lead ang nasa unahang pares laban kina compatriot Pajaree Anannarukarn at Indian Aditi Ashok.

Mula sa parehong tie sa 14th sa opener, laglag sina Saso at Aussie Minjee Lee 65-134 sa pagsalo sa 23rd, habang mas bumulusok pa sina Ardina at African Paula Reto na mayroong 67-136 at bumuhol sa 31st. Nasa 41 pairs ang mga pumasa sa finals habang may 28 bagsak sa cut at dalawa ang mga diniskuwalipika. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.