Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bianca, Yuka kinapos

0 64

Kinulang ng dalawang palo sina Bianca Isabel Pagdanganan at Yuka Saso upang sumablay sa cut, bumuhol sa 14-way tie sa 83rd spots pagkaraan ng second round ng 143-entry 73rd Ladies Professional Golf Association Tour 2022 Leg 10 $1.5M (P78.5M) 1st Palos Verdes Championship sa Palos Verdes Golf Club sa PV Estates, California Biyernes (Sabado sa Maynila).

Pumalo ang lone PH bet ng tatlong birdie at anim na bogey upang mag-3-over par 74 (38-36) at isama sa 72, samantalang ang kakuwadra niya sa ICTSI na Fil-Japanese na pambato na ng Japan na si Saso nag-71 (35-36) para sa identical 146 nila kasama ang 12 iba pa.

Inagaw ni Australian Hannah Green 66-133 ang tuktok sa kababayang si Min Jee Lee na nilamangan niya ng tatlong hampas dahil sa 73 ng huli. Katabla ni Lee sa pangalawa sa 136 sina Kiwi Lydia Ko (67), home bet Megan Kang (69) at Korean Jin Young Ko (72).

Nasa 72 ang mga umabot sa 144 cut off score upang patuloy na magrambulan sa cash prizes, samantalang kabilang sa 71 sa mga nalagas sina Pagdanganan at Saso. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.