Abante Tonite Interactive

Bias ang media — Bato

By
18

Isinisi sa media ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa kung pangit man ang imahe ng pambansang pulisya.

Sa harap ng mahi­git 1,000 sinibak na pulis-Caloocan, ipinunto ni Dela Rosa ang tila hindi pantay na pagtrato ng media sa mga pulis.

Aniya kapag may mga nahuhuling pulis dahil sa kalokohan o may idinidikit sa maling pagtupad sa tungkulin ay nabibigyan importansiya sa mga balita.

Ngunit ang mga nagagawang tama ng mga pulis ay hindi nabibigyan ng katulad na atensyon ng media.

“Kapag sabit sa kaso mga pulis paulit-ulit na mapapanood mo sa TV, pero kapag may ginawa naman kabayanihan isang beses lang maiba­balita,” ang himutok ni Dela Rosa.

Ang pahayag na ito ay umani ng masigabong palakpakan at kantiyaw sa mga sinibak na pulis.

Ngunit sa ambush interview, kumambiyo si Dela Rosa at patay malisya pa ito sa pagbanat sa media.

Humingi Ito ng paumanhin sa kaharap na mga media sa katuwiran na frustrated lang siya kaya nakapagbitaw siya ng mga salitang kontra sa media.