Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bibingka muffins ni Monette

0 77

Sa high school noong 1980s, may subject na Home Economics kung saan lahat ng mga gawaing bahay na nangangailan ng skills training ay pinag-aaralan. Ang pinakapaborito ko noon ay ang pagluluto. Madalas nga lang na taga-tikim lang ako ng mga kaklase ko. May mga magagaling talaga lalo na sa pagbe-bake at sumasali pa sa mga kumpetisyon ang mga members ng organization namin noon sa Immaculate Conception Academy of Manila (ICAM) na Future Homemakers of the Philippines (FHP).

May mga nakahiligan ang pagluluto at pagbe-bake na dinala ang skill na ito sa bahay at ang ilan ay ginawang negosyo – tulad ng aking kaibigang si Monette Ubaldo Escultura.

“Home-grown recipes lang lahat hanggang sa na-perfect ko. Nag-aral ako ng mga short courses para matutunan ang basics kasi baking is an exact science,” ayon kay Monette na nagbukas din ng isang restaurant sa La Maries, Sorsogon City noong 2006. Doon niya binenta ang kanyang mga baked goods at ibinuhos ang kanyang nalalaman sa pagluluto. At nang magka-pandemya, sinubukan niya ang online selling ng kanyang bine-bake.

Iniwan nila pansamantala ang Sorsogon dahil nagkasakit ang kanyang asawa at kinailangang ipagamot sa Maynila. Itinuloy pa rin ni Monette ang kanyang nakahiligang pagbe-bake at ngayon ay sa tinitirhan niya sa Maynila siya gumagawa at nagbebenta online.

Natikman ko ang kanyang bibingka muffins na ang isang dosena ay P275.00. Nakabalot ang ilalim ng bibingka muffins ng dahon ng saging, at lasang-lasa ang itlog na maalat at keso. “Best seller ko ang bibingka muffins kasi unique, in a sense na ‘yung traditional bibingka, ginawan ko ng recipe para sa muffins.”

SM food to go Banner Ad

Masarap namang partner sa kape, tsaa at tsokolateng inumin – mainit man o malamig – ang kanyang chocolate chip cookies. Nagustuhan ko ito dahil malambot pero may consistency, hindi nadudurog agad sa iyong kamay, mayaman sa add-on ingredients at hindi ganoon katamis kaya’t di nakakasawa. Mayroon itong oatmeal, peanut butter, pasas, at mga mani. Ang isang dosena ng assorted na malalaking cookies ay P450.00 at nakalagay sa isang kahon.

Mayroon din siyang blueberry cups na P50.00 ang isa at fruit custard cups na P375.00 naman ang isang dosena.

Masarap din at sagana sa laman ang kanyang chicken at beef empanada. Ang sabi nga ng aking nanay na si Rosie Alabastro Pajati – malasang-malasa. P45.00 naman ang isang chicken empanada at P55.00 ang isang beef empanada.

Sa mga nagnanais na mag-sample ng baked goods ni Monette, narito ang kanyang numero para i-text: 0927.857.8148.

Leave A Reply

Your email address will not be published.