Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bicam inaprub 16-anyos sa statutory rape

0 199

Inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian na niratipikahan ng bicameral conference committee ang panukala na layong itaas ang statutory rape age sa 16-anyos mula sa kasalukuyang 12 taong gulang.

Naresolbha aniya sa became ang mga pagkakaiba sa House Bill No. 7836 at Senate Bill No. 2332. Isa si Gatchalian sa mga senador na may-akda ng panukala.

Paliwanag ni Gatchalian, mahalaga ang panukalang ito sa pagsugpo ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis, lalo na’t karamihan sa mga batang ina ay biktima ng pang-aabuso at karahasan.

Matatandaang sa paliwanag ni Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez III, sinabi nito na kung susuriin ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa taong 2019, dalawa sa tatlong kabataan ang nabubuntis ng mas nakatatanda ng 20 taon.

Ipinapakita umano nito na may power play at seduction na nagaganap pagdating sa sitwasyon ng mga batang babaeng may edad na 11 hanggang 12.

Dahil dito, ayon kay Gatchalian, panahon nang isabatas ang panukala para mabigyan ng proteksiyon ang kabataan mula sa karahasan at pang-aabuso. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.