Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bicam inapruba pagtaas ng edad sa statutory rape

0 48

Inaprubahan ng Bicameral Conference Committee ang panukala na magtataas ng edad na saklaw ng statutory rape mula bago mag-12-anyos ay gagawin na itong bago mag-16-anyos.

Sinabi ito ni House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa media kasabay ng paglalarawan sa pangyayaring ito na isang “historical advance” sa krusada ng pagtataguyod sa karapatan ng kababaihan at bata.

“This is one big leap for Filipino children’s rights, as the Philippines will no longer be the country with the lowest age of statutory rape in Asia.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng panukala, ituturing na statutory rape ang pakikipagtalik ng isang indibidwal na wala pa sa edad na 16 kahit pa gusto niya itong gawin.

Sa kasalukuyang batas, kakasuhan ng statutory rape ang isang indibidwal na nakipagtalik sa wala pang 12-anyos. Ang parusa sa rape ay reclusion perpetua o hindi bababa sa 30 taong pagkakakulong. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.