Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bicol 2 buwan walang kuryente

0 134

POSIBENG maging madilim ang Pasko ng mga residente sa Catanduanes dahil aabutin pa ng dalawang buwan bago maibalik ang kuryente sa lugar matapos hagupitin ni supertyphoon Rolly.

Ito ang sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal sa isang pahayag sa TV.

“Matapos na maibalik ang serbisyo ng kuryente at saka naman maibabalik ang tubig. Our counterparts are working 24 hours, 7 days a week. We can expect a gradual reenergization of the province,” sinabi nito.

SM food to go Banner Ad

Nag-deploy na ang NDRRMC ng isang water treatment facility sa isla.

Nauna nang nagpadala ang Philippine Red Cross ng dalawang water tankers at water treatment facility sa lugar.

Ang pinakamalakas na bagyo ng taon ay nag-iwan ng P10.5 bilyong infrastructure at P2 bilyong na halaga ng agrikultura na pagkasira. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.