Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bicol binaha, 10 anyos nawawala

0 56

Muling binaha ang Bicol kung saan isang batang lalaki ang nawawala.

Ito ay bunsod na rin ng pagbuhos ng ulan kaya binaha ang ilang lugar sa Sorsogon, Camarines Sur at Catanduanes.

“May nai-report po sa amin na may isa pong missing na 10-year-old male sa Barangay Tabon-Tabon, Irosin. Nawala po siya noong January 9, 2021 at last seen near Cadacan River,” saad ni Office of Civil Defense – Region 5 spokesperson Gremil Naz, Lunes sa isang panayam kahapon.

Nagsasagawa na rin aniya ng search and rescue at retrieval operations para mahanap ang nawawalang bata.

Leave A Reply

Your email address will not be published.