Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bicol International Airport tatapusin ng administrasyong Duterte

0 1,285

Tiniyak ng administrasyon Duterte na tatapusin ngayong 2020 ang P4.8-bilyong Bicol International Airport (BIA) isa sa malalaking proyekto ng pamahalaan na mahalagang papel ang gagampanan sa pagbangon ng bansa mula sa matinding epekto ng pandemyang Covid-19.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, ang paniniyak ay ginawa ng matataas na opisyal ng Department of Transportation (DOTr), nang inspekyunin ang proyekto kamakailan na dapat ay matatapos nitong Hulyo 2020.

Sakop ng distrito, sinabi ni Salceda na ang BIA ay bahagi ng malalaking proyekto sa ilalim ng ‘Build, Build, Build” Program ng gobyerno na inaasahang magiging mga mahalagang haligi ng ekonomiya ng bansa.

Isa ang ‘aviation industry’ sa mga pinalugmok ng pandemya at inaasahang malaki ang maitutulomg ng BIA upang ito’y makabangon.

Si Salceda ang bumalangkas at masugid na nagtulak sa BIA na ayon sa DOTr ay ‘66.61 percent complete’ na.

Sinimulan noong 2005, naging mabagal ang trabaho sa BIA bagama’t bumilis ito ng kaunti noong 2009 ngunit patigil-tigil pa rin hanggang sa maupo si Pangulong Duterte.

Sa taya ng DOTr, nitong nakaraang Hunyo 24, nasa 81% tapos na ang Package 2A ng paliparan kumg saan kasama ang Administration Building, Air Traffic Control Building, Crash Fire Rescue Building, and Maintenance Building (Landside Facilities). Nasa ‘34% complete’ naman ang Package 2B nito kung saan kasama ang ‘Passenger Terminal Building and Runway.’

Tiniyak ng DOTr naikasa na nila ang ‘24/7 work’ na pasisimulan agad para mapabilis at matapos ang BIA sa lalong madaling panahon. Mga dalawang milyong pasahero ang inaasahang gagamit sa BIA taon-taon at lalong pabibilisin nito ang pag-unlad hindi lamang ng Albay kundi ng buong Bikol at Timog Katagalugan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.