Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bicol, Zambo, MIMAROPA sumirit COVID

0 62

Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa tatlong rehiyon sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang dito ang Bicol Region, Zamboanga Peninsula, at Mimaropa.

Base sa data ng DOH, lumalabas na ang Bicol ay may 43,712 kumpirmadong kaso hanggang nitong Oktubre 6, kung saan 3,311 ang aktibong kaso, at 680 katao ang nasawi.

Habang sa Zamboanga Peninsula ay may 43,298 kaso, 2,786 aktibong kaso, at 831 pumanaw sa sakit.

Samantala, may kabuuang 29,960 kaso naman sa Mimaropa, kung saan 2,003 ang aktibong kaso at 688 ang namatay.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Vergeire, ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, at Cagayan Valley ay nananatiling nasa ilalim ng high-risk classification kung saan sa CAR ay 77,557 ang kumpirmadong kaso, 6,794 ang aktibo, at 1,129 ang yumao.

Sa Ilocos Region ay may 92,819 kaso, 8,175 aktibo, at 1,550 nasawi.

May kabuuang 115,695 kaso naman ang naitala sa Cagayan Valley, 8,480 ang aktibong kaso habang 1,902 ang pumanaw.

“While we are seeing a negative growth in the National Capital Region, we would like to reiterate that this is the time that we should continue hammering on our COVID-19 response para tuluyang bumaba na ang bilang ng mga nagkakasakit.” (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.