Abante Tonite Interactive

Bida ng ‘Arrow’ nagtaka at nahibang sa ‘Alyas Robin Hood’ ni Dingdong

By
14

KAMAKAILAN lang, naging item sa column ko ang tungkol sa action series na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Supposedly, ito ang ipantatapat sa FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin.

Ang bonggang primetime bakbakan, hindi ba naman?

And before all our collective eyes can even blink, bumulaga ang teaser para sa programa ni Papa Dong, ang Alyas Robin Hood.

Sa una kong tingin, akala ko eh parang inspired ito ng Magtanggol kung saan ang bida, itinatago ang sarili with a maskara and hoody at tinitigok ang mga bumibiktima at umaapi sa mga OFW.

Tapos ang next scene, hindi ko napigilang mapa-AY! May pana na siya.

Ang taray! Archer ang character ni Dantes at palaso ang weapon of choice niya para sugpuin ang masasamang tao at elemento.

Dahil parang looking so familiar ang teaser nito at may ki­yeme latik pang poster na luma­bas online, poot na poot ang bashers at haters.

Nagsanib-pwersa ang kanilang mga hanash at kuda. They are crying foul and accusing the Alyas Robin Hood team as bereft of ideas and crea­tivity.

Isa raw itong rip-off, a clear case of gaya-gaya, puto maya, zizbumba!

Hindi pwedeng ipagkaila na parang you’re nothing but a second rate, trying hard, Arrow copy cat ito.

What added fuel to the fire, pati ‘yung bida ng Arrow na si Stephen Amell, may-i-share niya ang teaser of the forthcoming GMA action drama with matching pagtataka at gustong mahibang na emoticon reaction.

Bigyang daan natin ang paliwanag ni Ms. Suzette Doctolero tungkol dito,

“Uulitin ko para malinaw po ang lumabas na artikulo mula sa isang blog na may kasamang plooster daw ng Alias Robin Hood ay misleading kasi ang ginamit na poster doon na rip off mula sa Arrow ay hindi po materyal na galing sa GMA 7.

“Hindi po ata ito ni-research na mabuti ng nasabing blog page at in-assume agad na ito ay mula sa GMA 7.

“Ang nasabing pos­ter po ay maaaring fan made. O di kaya ay ginawa lang para siraan din ang Alias Robin Hood para palitawin itong rip off ng Arrow.

“So useless na pagdebatehan na ito ay rip off kasi hindi sa Alias Ro­bin Hood ang nasabing poster.

“Wala pa po kaming inilalabas na poster nito liban sa teaser na napanood na sa aming network.”

Dagdag paliwanag ni Ms. Suzette, “Ibang-iba po ang kuwento ng Alias Robin Hood sa Arrow. Malayo.

Alyas Robin Hood
Alyas Robin Hood

“Ang Alias Ro­bin Hood ay homage/inspired sa Robin Hood, at ito ay Filipino modern retelling nito lalo’t ang nasabing British folktale na tumatalakay ng social injustice ay napapanahon pa rin.

“Hindi ito gaya sa Arrow (na palagay ko ay mula sa Green Archer/Robin Hood at Batman hehe) o sa Green Archer na pawang mga inspired din sa dakilang obra na Robin Hood pero binigyan din nila ng ibang twist.

“Salamat po!”

Bebenta kaya sa bashers & haters ang paliwanag ni Ms. Doctolero? Bakit kasi dapat pana ang weapon of choice ni Papa Dong?

Pwede naman ang balisong, karambit o bagakay na may lason sa dulo.

Mas panalo rin kung ang ipinakitang teaser ay nakikipag-arnis si Dantes para talagang sariling atin.

Ang pinakamalaking tanong… bakit si Robinhood? Wala bang Filipino action hero na pwedeng gawing inspirasyon para sa isang action TV series?

Afraid tuloy ang diva that you love para sa show ni Papa Jose Sixto.

Kasi nga, hindi kaya maibalik at mauso muli ang “Indian pana, kakana-kana, Indian betlog, kakalog-kalog” dahil sa primetime pakulo na ito?

Ang mga violent reactions against sa “rip off” quality of the soon to ibe shown palabas isang patotoo na the public knows Dingdong Dantes deserves a better action packed TV material.

Dantes has an adoring public na may pananalig sa kanyang kakayahan bilang artista at aktor.

Nakita n’yo naman sa mga pelikula niya, he wants edgier roles, ‘yung mga may sapak, ‘yung mga palamura at palaban.

Wala bang pwedeng isipin na parang bida/kontrabida character for Dong na magpapakita muli sa kanyang acting chops?

Hindi ba keri na magpaka-Hannibal o Dexter si Dantes?

Ayaw n’yo ba siyang i-challenge further by making him ala-Jared Leto sa Dallas Buyers Club o kaya ala-Christian Bale sa The Dark Knight?

Come on. GMA peeps, this is the best you can concoct, think and produce para sa Prime Time King ninyo?

‘Pag finally umere na ito, malalaman na rin natin kung totoo ang akusasyon of the balana at dabarkads.

May pananalig ako na masusing pinag-aralan ito ni Dantes kaya niya sinang-ayunang gawin.

Sa ngayon, pagbigyan muna natin sila and let us hope for the best.

‘Wag muna ta­yong maging judgemental. May mga aral talagang we learn the hard way.